Kailangan mong pumili Langit o Impierno
Ano ang pipiliin mo? Saan mo bubunuin ang walang hanggan?
Bago ka magpasya, pag-isipan mo ang mga sumusunod na katotohanan:
- Ang bawat tao ay itinakdang haharap sa kamatayan at sa Diyos.
“At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” Hebreo 9:27
- Isinilang ang bawat tao na makasalanan, isinilang sa kasalanan na minana mula sa unang tao, si Adan na nagkasala laban sa Diyos.
“Narito, ako’y ipinanganak sa kasamaan; at ipinaglihi ako ng aking ina sa kasalanan.” Awit 51:5
“Kaya’t kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan, kaya’t dumating sa lahat ng mga tao ang kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala.” Roma 5:12
- Kung kaya’t, ang tao ay ALIPIN ng diablo dahil sa mga kasalanan niya.
“Ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan… Kayo’y mula sa inyong amang diyablo, at ang nais ninyong gawin ay ang kagustuhan ng inyong ama.” Juan 8:34,44
- WALANG TAONG MAKAKALIGTAS sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa, panunumpa, pangako, o paggamit ng mga pilosopia o mga relihiyon ng mundo na gawa ng tao. Isa siyang alipin, at hindi niya kayang tubusin ang kanyang sarili.
“Tunay na sa anumang paraan ay walang taong makakatubos sa kanyang kapatid, ni ibigay sa Diyos ang kabayaran ng kanyang buhay. Sapagkat ang pantubos sa kanyang kaluluwa ay mahal.” Awit 49:7,8
- Ang huling paghuhukom ng Diyos ay KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN para sa lahat ng makasalanan sa lawa na apoy: dahil banal ang Diyos at walang sinoman o anoman na marumi ang makakatahan sa presensiya Niya.
“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Roma 6:23
Kahit na makasalanan ang lahat ng tao at alipin sila ng diablo, sa hindi mapantayang pag-ibig ng Diyos gumawa siya ng paraan para makaligtas ang lahat ng maniniwala at magtitiwala sa mga sumusunod na paraan:
- Intindihan na ikaw ay makasalanan at MAGSISI, talikuran at ipahayag ang mga kasalanan mo kay Hesus.
“Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” Gawa 3:19
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1:9
- Maniwala sa ebanghelyo para sa kaligtasan mo at tumawag sa pangalan ni Hesu-Cristo.
“Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.” Roma 5:8
- Magpabautismo sa tubig, dahil kahit napatawad na ang lahat ng kasalanan mo noong naniwala ka, kailangang mamatay at mailibing ang KALIKASAN NG KASALANAN ang “lumang tao” para makapamuhay ka ng GANAP NA BAGONG BUHAY.
“Kaya’t tayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo tungo sa kamatayan.” Roma 6:4
- Pagkatapos nito, tanggapin mo ang bautismo ng Espiritu Santo (na may ebidensiya na pagsasalita ng ibang mga salita). Gaya ng pagpapalakas ng diablo sayo para mapagsilbihan mo siya sa kasalanan, palalakasin ka rin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo para pagsilbihan Siya sa katuwiran at kabanalan.
“Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo’y magiging mga saksi ko…” Gawa 1:8
Nasayo ang pagpapasya
IMPIERNO:
Pipiliin kong ipagpatuloy ang pagsisilbi ko sa diablo sa pamamagitan ng mga kasalanan ko
Tinatanggihan ko ang pag-ibig ng Diyos at ang pagtubos na ibinigay Niya para sa akin.
Ipinasya ko na mananatili ako at hindi tatakas sa walang hanggan na impierno
“Lumayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda sa diyablo at sa kanyang mga anghel” Mateo 25:41
LANGIT:
Pipiliin kong takasan ang pang-aalipin ng diablo at ang diablo sa pamamagitan ng paniniwala ko sa pagtubos ng Diyos na ibinigay Niya para sa akin na matatamo lamang kay Panginoong Hesu-Cristo
Gusto kong sumunod at magsilbi sa banal na Diyos sa katuwiran.
Ipinasya ko, ayon sa pangako ng Diyos, na mananatili akong kasama Niya sa walang haggan na banal Niyang siudad.
“Magaling! Mabuti at tapat na alipin… Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.” Mateo 25:23
You can find equivalent English tract @