Nagmamahal si Hesus Tumutulong si Hesus
Lumapit kayo sa Akin (Hesus), kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan (Mateo 11:28).
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak (Hesus), upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).
Ang abang taong ito ay dumaing, at ang Panginoon (Hesus) sa kanya’y nakinig, at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig (Awit 34:6).
Sinugo Niya (Hesus) ang kanyang salita, at pinagaling sila, iniligtas niya sila sa kapahamakan (Awit 107:20).
Gaya ng inaaliw ng kanyang ina, gayon ko aaliwin kayo; kayo’y aaliwin sa Jerusalem (Isaias 66:13).
Ikaw ay hindi ko malilimutan (Isaias 44:21). O inyong subukan at tingnan na mabuti ang Panginoon (Hesus) (Awit 34:8).
Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman (Hebreo 13:8).
“Ako (Hesus) ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Sapagkat ang Anak ng Tao (Hesus) ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala (Lucas 19:10).
Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya (Hesus) na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos (Juan 1:12).
At mula sa Kanyang (Hesus) kapuspusan ay tumanggap tayong lahat, biyaya na sinundan pa ng ibang biyaya (Juan 1:16).
Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, Siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa Kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng Kanyang mga latay ay gumaling tayo (Isaias 53:5).
“Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa” (Juan 10:11).
Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit (Mateo 4:17).
Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan (Gawa 16:31).
Ang lumalapit sa Akin (Hesus) kailanman ay hindi ko itataboy (Juan 6:37).
Sapagkat siya’y kumapit sa Akin (Hesus) na may pag-ibig, ililigtas ko siya, iingatan ko siya sapagkat ang aking pangalan ay nalalaman niya (Awit 91:14).
At kung Ako’y (Hesus) pumunta roon at maihanda ko ang isang lugar para sa inyo, ako’y babalik at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon (Juan 14:3).
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin (Roma 6:23).
Sapagkat noong tayo ay mahihina pa, sa tamang panahon si Cristo ay namatay para sa masasama (Roma 5:6).
At pumunta ang Panginoong Hesu-Cristo dito sa mundo 2000 taon ang nakaraan. At humayo siya na gumagawa ng mabuti sa lahat ng mga tao at pinagaling niya lahat ng klase ng mga sakit. Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos. Muli siyang nabuhay mula sa patay at buhay siya ngayon. Siya ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Gumagawa siya ng mabuti sa lahat ng tao na lumalapit sa kanya kahit hanggang ngayon.
Panalangin:
“Hesus, mahal Kita, patawarin Mo ang mga kasalanan ko, at pagalingin Mo ang aking mga sakit. Bigyan Mo ako ng kapayapaan, kapahingaan at kaligayahan. Bigyan Mo ako ng buhay na walang hanggan at pagpalain Mo ako. Amen.”
You can find equivalent English tract @