Do-you-know_tagalog12

Na makasalanan ka sa mata ng Diyos?

“Yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos”          Roma 3:23

 

“Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.” 1 Juan 1 :8

 

Na itinakda kang humarap sa kamatayan at sa Diyos!

 

“At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.” Hebreo 9 :27

 

Na hahatulan ka ng Diyos?

At inaakala mo ba ito, O tao, na humahatol sa mga gumagawa ng gayong mga bagay, at gayundin ang ginagawa mo, na ikaw ay makakatakas sa hatol ng Diyos? Roma 2 : 3

Na patungo ka sa walang hanggan na lawa ng apoy kapag hindi mo aayusin ang buhay mo sa Diyos?

Babalik sa Sheol ang masama ang lumilimot sa Diyos sa lahat ng mga bansa.”           Awit 9 :17

“At itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” Mateo 13 :42

 

May paraan para maayos mo ang buhay mo sa Diyos.

 

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16

 

Ano ang dapat kong gawin para matanggap ang buhay na walang hanggan?

  1. Magsisi

“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalampas na nga ng Diyos; ngunit ngayo’y ipinag-uutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi.” Gawa 17:30

2 . Tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas

“Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos.” Juan 1 : 12

  1. Ipahayag ang mga kasalanan sa Diyos

“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.”            I Juan 1: 9

  1. Ipamuhay ang mabuting balita

“Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.” Santiago 1 :22

“Sundin mo ang aking mga utos at mabubuhay ka; ingatan mo ang aking aral na parang itim ng iyong mata.” Kawikaan 7 : 2

 

You can find equivalent English tract @

Do you know?