16 / 100

The heart of the matter_tagalog

Download PDF Tracts

ANG PUSO NG LAHAT

Maaring alam mo na, na ang sakit sa puso ay may malala na ngayon kumpara noon. Kung hindi man tayo mamamatay dahil sa sakit na dulot ng mikrobyo, mabubuhay tayo hanggang sa may masira na bahagi ng ating katawan. Pangkaraniwan na puso ang pinakaunang  bibigay. May ilang pangkalahatang patnubay na makakatulong para mas tumagal ang puso mo:

Kailangan ang mabuting pagkain para sa anumang sistema ng katawan. [“Ako (Hesus) ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya’y mabubuhay magpakailanman:” Juan 6:51]

Mahirap din and sobrang mabigat para sa puso. [“Subalit mag-ingat kayo sa inyong sarili, baka magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at kalasingan, at sa mga alalahanin ukol sa buhay na ito:” Lucas 21:34]

Pinaniniwalaan na ang masyadong taba sa pagkain ay nakakapagdulot ng pagtigas sa mga ugat ng puso. [“Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa paghihimagsik:” Hebreo 3:15]

Ang sobrang pagnenerbiyos ay nakakapagdulot ng problema sa puso [“Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos:” Filipos 4:6]

Ang totoong karamdaman ng puso

“Ang puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay, at lubhang napakasama; sinong makakaunawa nito? Akong Panginoon ay sumisiyasat ng pag-iisip, at sumusubok ng puso, upang ibigay sa lahat ang ayon sa kanilang mga lakad, ayon sa bunga ng kanyang mga gawa:” Jeremias 17:9-10

”Ang iyong puso’y buong sikap mong ingatan, sapagkat mula rito’y dumadaloy ang mga bukal ng buhay.”   Kawikaan 4:23
“Sapagkat sinasaliksik ng Panginoon ang lahat ng puso, at nalalaman ang lahat ng balak at iniisip.”

1 Cronica 28:9

“Ngunit palibhasa’y alam ni Jesus ang kanilang mga iniisip ay sinabi niya, “Bakit nag-iisip kayo sa inyong mga puso ng masama?” Mateo 9:4

“Nakita ng Panginoon na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama.” Genesis 6:5

“Ang kanila nawang isipan ay maging laging ganito, na matakot sa akin, at kanilang tuparin ang lahat ng aking mga utos para sa ikabubuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailanman!” Deuteronomio 5:29

Ang Lunas:

Pwede kang bigyan ng Diyos ng bagong puso

“Bibigyan ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.”      Ezekiel 36:26

“Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa mga patay, ay maliligtas ka. Sapagkat sa puso ang tao’y nananampalataya kaya’t itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya’t naliligtas:” Roma 10:9,10

“Tayo’y lumapit na may tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso ay winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig:” Hebreo 10:22

Huwag mabagabag ang inyong puso: Sumampalataya kayo sa Diyos!

Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

The heart of the matter