Mabuhay para Mamatay? Hindi, mabuhay ng walang hanggan
Lumago ang siensiya sa napakaraming direksiyon, kahit sa pagdiskobre sa kalangitan pero nanatili pa rin na hindi napag-aaralan ang KAMATAYAN. Kokonti ang mga doktor, siyentipiko at mga pilosopo ang nag-aral tungkol sa kamatayan, ang mismong panahon ng kamatayan at kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan. Tuloy-tuloy ang mga siyentipiko sa pagpapaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa katawan ng tao at sa maiksi nitong pagkabuhay sa planetang ito, tungkol sa mga atom, at tungkol sa mga natural na kataklismo pero napakakonti ang naituro tungkol sa nakakasindak na katapusan na tinatawag na kamatayan, bagay na dumarating sa lahat ng tao. Mukhang kokonti lamang ang may kakayahan o nagnanais na pag-aralan ang kamatayan, ngunit nilalamon nito ang lahat at hindi rin matatakasan ng mga siyentipiko at skolar. Sakit, iyak, karamdaman, takot, kalungkutan, pagkasawi, pagkabigo at kagustuhan, nararanasan natin lahat ang mga ito hanggang sa lamunin tayo ng mismong Kamatayan at hindi na kailanman babalik pa sa mundo ng mga buhay. Sa panahon na lisanin ng tao ang tiyan para batiin ang liwanag ng araw, parang pumirma na rin siya ng kasunduan sa Kamatayan. Hindi pwedeng sabihin na gusto o ayaw. Ayon sa Bibliya, “Yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Rom.3:23; 6:23). “At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Heb.9:27). Ang bawat isa sa atin ay siguradong mamamatay; at kung mahiwalay tayo sa Diyos sa buhay na ito, mahihiwalay tayo sa Kanya sa walang hanggan. Mawawala natin magpakailanman ang mga regalo ng buhay gaya ng pag-ibig, kaligayahan, kagandahan, katotohanan, kapayapaan, at kasiyahan at magpakailanman tayong magdurusa sa pagpapahirap ng Kamatayan kasama ang kaniyang hapis, dilim, lungkot, hiya at pagsisisi.
Isa lamang na tao ang nagbukas sa misterio ng Kamatayan at ipinahiwatig niya sa sangkatauhan ang “Bago at Buhay na Daan” patungo sa buhay at imortalidad si Hesu-Cristo na Tagapagligtas Natin, “na siyang nag-alis ng kamatayan, at nagdala sa buhay at sa kawalan ng kamatayan tungo sa liwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo” (II Tim.1:10). Umiikot ang kasaysayan sa Kanya at hinati ng Kanyang kapanganakan ang kasaysayan sa B.C. at A.D. At umiikot rin sa Kanya ang buhay at kamatayan noong namatay Siya para sa mga kasalanan natin, nailibing, at nabuhay muli sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagtatagumpay ng Diyos laban sa kasalanan, kamatayan, impiyerno at sa puntod. Malaking bilang ng mga disipulo ang nakasaksi sa Kanyang pagkabuhay muli, at milyun-milyon sa buong mundo ang nagpapatotoo ngayon na buhay nga Siya. “At Ako ang nabubuhay. Ako’y namatay, at tingnan mo, ako’y nabubuhay magpakailanpaman, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades” (Pah.1:18).
Ibinaba ni Hesus ang Kanyang sarili kahit sa kamatayan sa krus. Kailangan Niyang maranasan ang kamatayan para sa lahat ng tao, “Upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan sa buong buhay nila ay nasa ilalim ng pagkaalipin” (Heb.2:9,14,15). Noong kapanahunan Niya dito sa mundo, masidhing itinuro ni Hesu-Cristo ang tungkol sa buhay, kamatayan at imortalidad. Ipinahiwatig Niya na Siya mismo ang Muling Pagkabuhay at buhay sa pamamagitan ng panggagamot sa mga walang lunas na sakit, pangbubuhay sa mga patay, pagpapagaling sa mga bulag, bingi at pilay. Itinuro Niya ang buhay na may ganap na pananampalataya sa Diyos at mahimalang ibinigay ang mga pangangailangan ng mga humihingi ng tulong Niya. Itinuro Niya ng walang pag-aalinlangan ang tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Buong loob Niyang binuhat ang mga kasalanan natin at kinuha Niya ang parusa natin sa krus. At matagumpay na nabuhay muli si Hesus para maniwala tayo sa Kanya at malaman na Siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.
Ang Daan – Si Hesus ang Buhay na Daan na magdadala sa iyo sa Diyos-Ama at gagawin ka Niyang matagumpay sa bawat pagsubok, para maharap mo ang kamatayan ng walang takot at puno ng kasiguruhan ng buhay na walang hanggan.
Ang Katotohanan – Si Hesus ang Katotohanan na hangad na makilala ng iyong kaluluwa na Siyang magpapalaya sa iyo mula sa kasalanan at takot.
Ang Buhay – Si Hesus ang buhay na walang hanggan na hindi kayang tapusin ng klinikal na kamatayan, buhay na mababalot ng hindi maaagnas at imortal na katawan.
Hindi magtatagal kukunin ng anghel ng Kamatayan ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng aksidente, sakit o katandaan. Bago ka mawala sa walang hanggan na kamatayan, pag-isipan mo ang malaking pangangailangan mo kay Hesu-Cristo. Sinabi Niya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay” (Jn.11:25). Maniwala ka sa Panginoong Hesu-Cristo, pagsisihan mo ang mga kasalanan mo at tanggapin mo Siya bilang Tagapagligtas mo. Mawawala ang kapangyarihan ng kamatayan laban sa iyo habang pinupuno ka ng Diyos ng Espiritu ng kabanalan na bumuhay kay Cristo mula sa kamatayan.
Lumapit ka, makinig at matuto. Palalayain ka ng katotohanan mula sa kasalanan at Kamatayan. Iniimbitahan ka ni Hesu-Cristo na Siyang Muling Pagkabuhay at Buhay para pumunta dito.
Panalangin: “Panginoong Hesus, nauunawaan ko na iisa lamang ang buhay ko at sa hindi katagalan ay matatapos ito. Nauunawaan ko na makasalanan ako. Hindi ako kayang iligtas ng lahat ng mga ari-arian o kaibigan ko. Lumalapit ako sa Inyo na may bukas at mapagpakumbabang puso. Pinagsisisihan ko ang lahat ng kasalanan ko. Patawarin at hugasan po Ninyo ako. Gawin mo akong handa na makilala Ka. Amen.”
Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net
You can find equivalent English tract @