Mga Tanyag na Huling Salita
May pangkaraniwang kasabihan sa aming bansa, mga tanyag na huling salita, na pangkaraniwang sinasabi sa may pagdududang paraan, binabantaan kaming huwag huminga at aasahan namin na may masamang mangyayari. Pero maraming mga lalake at babae ang bumiyahe sa paglalakbay na tinatawag na buhay, na nakarating sa kanyang hangganan, natanggalan ng mortalidad at humarap sa walang hanggan, ang nagkaroon ng mga kawili-wiling mga tanyag na huling salita. Yung mga iba ay nasabi na may kaligayahan, ang mga iba naman ay puno ng takot habang parating ang nakakasindak na kamatayan para sa kanya.
Kamatayan! Yang hindi matatakasan na katapusan ng ating mga plano, pangarap, layunin, motibo, pilosopia, paraan ng pag-iisip, atbp. Nangyayari sa mga bata at matanda, mayaman at pulubi, nakakulong at malaya, hari at prinsipe, hanggang sa nanlilimos sa daan.
“Isang bagay na nakakalungkot na hindi alam ng mga tao ang hangganan ng pagkapanganak nila sa mundo hanggang handa na sila na harapin ito.”
Itong tinipon na mga tanyag na huling salita ay sinulat para paniwalain ang magbabasa sa kasiguraduhan ng buhay pagkatapos ng kamatayan, at kung paano makuha ang buhay na walang hanggan sa Anak ng Diyos na si Hesu-Cristo. Kung darating ang panahon mo para mamatay, matatakot ka ba, o mapapasayo ang mga huling salita ni Catherine Booth, na asawa ni Heneral William Booth, ang nagtatag ng Salvation Army:
“Umaangat ang mga tubig pero ganun din ako. Hindi ako lumulubog, kundi umaapaw. Huwag mabahala tungkol sa kamatayan, mamuhay ka ng maigi, magiging maayos ang kamatayan.”
Ang pangarap mo ba ay maging hari, presidente, o dakilang pinuno sa pulitika? Pakinggan etong huling salita mula kay Louis XIV, Hari ng Francia, sa kanyang anak noong 1715:
“Anak ko, maaring namuhay ako ng mas maganda; matuto ka sa mga pagkakamali ko; at tandaan mo na mamamatay ang mga haring eto kagaya ng ibang mga tao”
Mamamatay ang mga hari kagaya ng ibang mga tao!
Si Severus (146-211), Emperor ng Roma noong ikatlong siglo A.D. ay nagkaroon nitong walang pag-asang katapusan ng kanyang buhay: “Nakamit ko ang lahat ng bagay, at ang lahat ng bagay ay walang saysay. Kakargahin ng isang maliit na lalagyan ang lahat ng matitira sa isang tao bagay na napakaliit sa buong mundo.”
Si Caliph Abd – Er – Rahman III (961 A.D.), Sultan ng Espanya, naranasan niya ang kamalasan ng pagtakas ng kaligayahan mula sa kanyang palad”
“Limampung taon ang nakaraan mula noong unang naging ako ang Caliph. Kayamanan, karangalan, kasiyahan, natamasa ko lahat. Sa mahabang panahon ng parang kasayahan, mabibilang ko lamang ang araw na totoong naging masaya ako labing-apat!”
Isipin mo yan! 50 taon bilang pangulo, 14 araw lamang ang nagamit sa kasayahan.
Maaring sinusundan mo ang pilosopia ng mga ateismo o agnostiko. Karamihan ng mga taong ito ay gustong takasan ang responsibilidad ng kanilang buhay sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsabi na hindi Siya totoo. Ginawa nila ang kanilang mga sarila bilang “pumapayag na maging ignorante” sa katotohanan na “Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay ginawa ang mga langit; at lahat ng mga hukbo nila sa pamamagitan ng hinga ng kanyang bibig.” (Mga Awit 33:6) Isa sa mga ganyan na tao ay si Voltaire, isang tanyag na pilosopo sa Francia at hindi naniniwala sa relihiyon sa ika-19 siglo. Kay Cristo, sinabi niya minsan: “Sumpain ang sawimpalad.”
Minsan ipinagyabang niya, “Sa loob ng 20 taon mawawala na ang Kristianismo. Sisirain ng isang kamay ko ang gusaling pinatayo ng labing-dalawang apostol.”
Ang katapusan niya a nakakasindak: “Iniwan ako ng Diyos at ng tao! Ibibigay ko sayo ang kalahati ng halaga ko kung mabibigyan mo ako ng anim na buwan na buhay, at pagkatapos pupunta ako sa impierno at sasama ka sa akin! Cristo, O Hesu-Cristo!” Sa kasamaang palad, ang araw ng pagpapala para sa kanya ay matagal ng tapos.
Si Thomas Paine ay isang tanyag na bayaning Amerikano at isang taong hindi naniniwala sa relihiyon na nagsulat ng kalapastanganan at kontra sa mga libro ng Bibliya na pinamagatang Panahon ng Katwiran. Ipinakita niya ang parehong nakakatakot na katapusan:
“Ibibigay ko ang mga mundo kung nasa akin sila, yang Panahon ng Katwiran ay hindi nalimbag. O Panginoon tulungan mo ako! Cristo tulungan mo ako! O Diyos ano ang nagawa ko para maghirap ng matindi? Pero walang Diyos! Pero kung meron man, anong kahihinatnan ko pagkatapos? Alang-alang sa Diyos samahan niyo ako! Magpadala kayo ng kahit bata para samahan ako, dahil impierno ang nag-iisa. Kung may ahente man ang diablo, ako na yun.”
Kahit yung ibang mga lingkod ng Diyos, pagkatapos ng buhay na ito, pinag-alinlangan nila ang kahalagahan ng mismo nilang buhay. Si Thomas Wolsey, isang Romano Katoliko na Kardinal at estadista sa paghahari ni Henry VIII, napasakanya etong komento sa higaan niyang namatay:
“Kung pinagsilbihan ko ang Diyos ng kasingsipag ng ginawa ko sa hari, hindi niya sana ako ipinasakamay sa aking mga puting buhok. Pero ito ang tamang gantimpala na kailangan kong tanggapin para sa kasipagan kong mga sakit at pag-aaral na kailangan kong pagsilbihan siya, at hindi tungkol sa mga serbisyo ko sa Diyos, pero para lamang sa kasiyahan ng hari.”
Ikumpara ang kasabihan na yan sa mga huling salita ni Matthew Henry, na tanyag na Ingles sa teolohiya:
“Ang buhay na ginamit sa pagsisilbi sa Diyos, at sa pakikipag-isa sa Kanya, ay ang pinakakumportable na buhay na pwedeng sundan sa mundong ito.”
Ganun din kay Jonathan Edwards, tanyag na nagsesermon ng revival sa kalagitnaan ng ikawalong siglo, ay napakasaya dahil dumating na ang panahon niya. Ang mga huling salita niya: “Nasaan si Hesus, ang kaibigan kong hindi nabigo kailanman?”
Ang listahan ng mga tanyag na salita ay hindi kumpleto kung wala ang mga kasabihan ng ibang mga martir; yung mga nagbuwis ng kanilang buhay alang-ala kay Cristo, hindi nila ibinilang ang kanilang buhay na mahalaga para ikakabuti ng katotohanan at sa mabuting balita. Isa si Policarpio sa mga taong ito. Itong martir sa ikalawang siglo, bilang sinabihan ng prokonsul ng Roma sa kanyang siudad na magsisi at lapastanganin si Cristo, ay sumagot:
“Walumput anim na taon na pinagsilbihan ko na si Cristo, at hindi niya ako ginawan ng kahit yung pinakamaliit na masama; paano ko lalapastangin ang aking Hari at Tagapagligtas?”
Habang siya ay sinusunog, wala siyang inialay kundi papuri sa Diyos sa pag-iingat, pagliligtas at sa pagpapahintulot sa kanya na mapabilang sa mga martir.
Isang siglo ang nakaraan, isang taong nagngangalang Andronicas, pagkatapos maparusahan at lagyan ng asin ang kanyang mga dinudugong sugat, ay itinapon sa mga ilang na hayop at pinatay sa pamamagitan ng espada. Ang kanyang mga huling salita:
“Gawin ninyo ang inyong panakamasama! Isa akong Kristiano; si Cristo ang aking tulong, at tagasuporta, at kahit armado man hindi ko pagsisilbihan ang mga dios ninyo, o kakatakutan ang kapangyarihan niyo o yung amo niyo, ang emperor: Tapusin ninyo ang inyong mga pagpapahirap ng mabilis ayon sa kagustuhan ninyo, at gamitin ninyo ang lahat ng paraan na maimbento ng inyong kasamaan, at makikita ninyo sa huli na hindi ako kailanman matitinag sa aking pasya.”
Ikumpara ang mga ito sa katapusan ng isa sa mga nagpahirap sa iglesia. Si Stephen Gardiner, obispo ng Winchester noong ika-16 siglo. Itong uhaw sa dugo na kagamitan ng mga pinuno ng Katoliko noong panahon niya ay namatay sa isang malubhang sakit na may mga sumpa sa kanyang mga bibig:
“Nagkasala ako kagaya ni Pedro; pero hindi ako umiyak kagaya niya.”
Panghuli, nasa atin ang mga huling salita ni Cristo. Sa krus, sa buong pagpapatawad sa mga mang-aapi niya, ipinanalangin niya:
“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang ginagawa nila.”
Sa pagkilala sa pagsisisi ng magnanakaw sa katabi niyang krus, sinabi Niya:
“Sa araw na ito, kasama mo Ako sa Paraiso.”
Pagkatapos niyang gawin lahat ng kagustuhan ng Diyos, Sumigaw Siya ng may katagumpayan:
“Natupad na”
Sa kanyang Ama, na may buong tiwala at pagmamahal isinigaw Niya:
“Ama, sa mga kamay Mo ay inihahabilin Ko ang Aking Espiritu.”
Kaibigang nagbabasa, ang kabuoang kaligtasan mo ay nabayaran sa lumang krus 2000 taon ang nakaraan. Pero saang direksiyon patungo ang buhay mo? Pag maabot mo ang 70, 80 o kahit 90 na taon ng buhay, ano ang mapapakinabangan mo kung makamtan mo ang buong sanlibutan, pero mapahamak ang iyong buhay?
Kumakatok si Hesus sa puso mo ngayon. Pagsisisihan mo ba ang iyong mga kasalanan ngayon, at isusuko ang iyong buhay sa Kagustuhan Niya? Hindi mo ba Siya hahayaang pamahalaan ang iyong buhay ngayong araw at sa hinaharap? Ito lamang ang buhay na makapagbibigay sayo ng kapayapaan, dahil “walang kapayapaan, sabi ng aking Diyos, para sa masasama.” (Isaias 57:21)
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)
Mahal ka ng Panginoon at ipinangako niya ang buhay na walang hanggan sa mga pupunta sa Kanya.
Ibigay mo ang iyong buhay sa Kanya ngayon!
You can find equivalent English tract @