9 / 100

Is-your-name-registered12

Download PDF Tracts

NAKAREHISTRO BA ANG PANGALAN MO?

Noong ipinanganak ka sa mundong ito, ipinarehistro ng mga magulang mo ang pagkapanganak mo sa Rehistro ng mga ipinapanganak at namamatay. Nairehistro pa ang pangalan mo sa iba’t ibang mga lugar sa mundo gaya ng,

  • Kapag tinatanggap ka sa paaralan
  • Kapag kinukuha ka sa trabaho
  • Kapag bumibili ka ng mga lupa at bahay
  • Kapag inirerehistro mo ang sasakyan mo sa insyurans
  • Kapag nagbubukas ka ng bangko
  • Kapag kumukuha ka ng kard ng rasyon
  • Kapag kumukuha ka ng ID sa pagboto
  • Kapag nagpapakabit ka ng kuryente sa bahay

Kung ipinaparehistro mo ang pangalan mo sa naparaming lugar para mabuhay sa nasisirang mundong ito, paano naman sa langit? Hindi ba mahalagang nakarehistro sana ang pangalan mo sa langit ngayon, kung pagkatapos ng kamatayan mo, maninirahan ka doon na mayroong kaligayahan at kapayapaan sa hindi masisirang walang hanggan? Oo, dapat siguradong nakarehistro ang pangalan mo doon ngayon.

Ano ang kailangan mong gawin para mairehistro ang pangalan mo doon? Para mairehistro ang pangalan mo doon, dapat isilang ka bilang miyembro ng makalangit na pamilya ng Diyos. Mababasa natin sa Banal na Bibliya ang tungkol dito: “Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos” (Jn 1:12). Kapag maniwala ka ng buong puso sa Panginoong Hesus at tanggapin mo Siya bilang personal mong Tagapagligtas at Panginoon, magiging anak ka Niya. Siya ang kumuha ng kaparusaan sa krus ng Kalbariyo na dapat mong tanggapin dahil sa mga kasalanan mo, at namatay Siya para sayo. Hindi lamang Siya namatay ngunit nabuhay muli sa ikatlong araw at buhay magpakailanman. Kung isa-isang ipapahayag mo ang mga kasalanan na nagawa mo mula ng pagkabata mo, patatawarin Niya ang mga kasalanan mo at tatanggapin ka bilang anak Niya. Pupunuin Niya ang puso mo ng kaligayahan at kapayapaan Niya. Sa magiging mga anak Niya sa ganitong paraan, sinabi Niya, noong andito pa Siya sa mundo, “Inyong ikagalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit” (Luc 10:20). Ang pangalan ng mga tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan nila, at naniniwala sa Panginoong Hesus ay nakarehistro sa langit. Sinabi pa ng Bibliya, “Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala” (I Jn 3:9), ipinagkakaloob ng Panginoong Hesus sa kanila ang biyaya para makapamuhay ng dalisay sa makasalanang mundo na ito at hindi na sila gagawa ng kasalanan. Noong namatay si Hesus sa krus, hindi lang Niya binuhat ang kasalanan mo ngunit pati rin ang mga sakit mo. Kaya ang mga naniniwala sa Kanya ay makakapamuhay ng malusog na buhay ligtas kahit sa hindi magamot na mga sakit.  Sa situasiyon na ito, ano ang kahihinatnan ng mga hindi nakarehistro ang kanilang pangalan sa langit? Tungkol sa mga bagay na mangyayari sa kanila sa araw ng paghuhukom, pagkatapos ng kamatayan, nasusulat, “At ang sinumang hindi natagpuang nakasulat sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy” (Pah 20:15).

Ibinibigay ng dugo ni Hesus sayo ang kapatawaran – pagkatanggal ng iyong mga kasalanan. Ibinibigay ng krus Niya sayo ang pagpapala – pagtanggal sa sumpa mo. Ang mga latay Niya ang magbibigay ng kagalingan sa mga sakit mo. Magbibigay ang kamatayan niya sayo ng katapangan – tatanggalin ang takot mong mamatay. Sa pamamagitan ng buhay ng Panginoong Hesus matatanggap mo rin ang buhay na walang hanggan. Maisusulat ang pangalan mo hindi sa mundong ito, kundi sa libro ng buhay na nasa langit. Ngayong araw lumapit ka sa Panginoong Hesus para matanggap mo ang tunay na kapayapaan at kaligayahan na hindi maibibigay ng mundo, at gayun din sa pribilehiyo na makapasok sa langit pagkatapos ng iyong kamatayan. Sa paniniwala mo sa Panginoong Hesus sabihin mo ang sumusunod na panalangin:

“Panginoong Hesus, naniniwala ako Sayo at isinusuko ko Sayo ang buong buhay ko. Linisin mo ako at gawin mo akong banal mula sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng banal Mong dugo. Tanggapin Mo ako bilang anak Mo at irehistro mo ang pangalan ko sa langit ngayon. Mula ngayon, sa lahat ng araw ko mamumuhay ako bilang anak Mo. Amen.”

You can find equivalent English tract @

Is your name registered ?