20 / 100

The Real God_tagalogThe Real God_tagalog_page2The Real God_tagalog_page3

Download PDF Tracts

ANG TUNAY NA DIYOS

Malaking bagay ang buhay para sa akin. Para sa asawa ko, dalawang anak ko at ako, pakiramdam namin may malalaking bagay pa sa hinaharap na kailangang abutin hanggang sa sinabi ng doktor sa akin na konti na lang ang natitirang panahon ko para mabuhay dahil sa isang tumor na lumalaki sa aking lalagukan. Ang tanging paraan lamang para madugtungan ang aking buhay ay ang pagdaan sa sunud-sunod na operasyon para matanggal ito kasama na ang aking lalamunan. Nagdala ng matinding paghinto sa aking buhay ang krisis na ito.

Pagkatapos ng ilang biopsies, dumaan ako sa isang operasyon. Dapat isang oras lang sana pero umabot ng isang araw. Napakabigat ang karanasan kong matinding paghihirap. Habang naglalakad, nalaman ko na nabuksan ang aking lalamunan at nalagyan ng tubo sa aking lalagukan. Makakapagsalita lamang ako kapag ilalagay ko ang aking hinlalaki sa butas ng tubo.

Isang gabi mga sampung araw pagkalipas ng operasyon (na sinasabing matagumpay), biglang napupuno ng dugo ang aking bunganga. Daglian akong tumawag ng nurse. Sa isang iglap may mga doktor na sumusubok patigilin ang pagsuka ko ng dugo na nagtuluy-tuloy sa loob ng tatlong oras. ‘Sinusubukan namin ang lahat!’ sabi ng isang doktor sa kanyang pagkadismaya. Sa pagkaintindi na maari ko itong ikamatay, nagmamakaawa akong sumigaw, ‘Panginoong Hesus, tulungan mo ako!’ Biglang tumigil ang pagdurugo. Sigurado akong dahil sa pangalan ni HESUS yun! Bakit? Hayaan ninyo akong ipaliwanag ang nangyari bago yung operasyon.

May malaking pagkatakot na lumamon sa akin habang naghihintay ako para sa operasyon, at ipinasya ko na humingi ng tulong sa aking simbahan. Sa buong buhay ko may paniniwala ako na nasa malayong lugar ang Diyos, at si Maria, ang nanay ni Jesus ang tagapamagitan sa Diyos at tao. Mayroon rin akong paboritong ‘santo’ kung saan ako nananalangin sa mga panahon ng kahirapan. Kaya sa Linggo na yan nanalangin ako ng buong lakas, ngunit sa pagkadismaya, iniwan ko ang simbahan na ganun rin ang kalagayan ko noong pumasok ako.

Habang pabalik ako sa bahay, may malaking kawalan ng pag-asa ng pumuno sa aking puso; parang wala ng paraan para alisin ko ang takot sa aking sarili. Nabaling kaagad ang aking atensiyon sa mga gospel music na nagmumula sa isang bintana ng apartment at nakaramdam ako ng udyok na pumasok doon. Noong nasa loob na ako, nakita ko ang isang maliit na kongregasyon ng mga anim na katao na umaawit ng isang himno. Noong natapos na ang pagtitipon, binati ako ng pastor at tinanong, ‘anong maipaglilingkod ko sayo?’ Ipinaliwanag ko kung gaano kaseryoso ang papalapit na operasyon at humiling ako ng panalangin. Nanalangin kami at ako’y namangha ng biglang nawala lahat yung takot ko! Ipinangako niyang bibisita siya, at ibinigay niya ang kasiguruhan na tutulong si Hesus.

Sigurado ako na ang mga panalangin ng mga taong ito ang kasama ko sa unang operasyon. Patuloy sila sa pagbisita sa akin sa mga panahon ng pagsubok na ito at tinuruan pa nila ako ng mas marami tungkol kay Hesus mula sa Bibliya. Nabuksan ang aking paningin at sa unang pagkakataon naintindihan ko na ang Panginoong Hesus ang tanging tagapamagitan ng Dios at tao. Kaya naman nanalangin ako at masayang tinanggap Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ko at naranasan ko ang kapayapaan at kasiguruhan ng madikit Niyang presensiya.

Pagkatapos kong gumaling mula sa unang operasyon, pinalabas ako mula sa ospital at pinauwi sa bahay ngunit kailangan kong bumalik sa ospital isang beses bawat linggo.

Sa wakas, dumating ang itinakdang panahon para sa pangalawang operasyon kung saan tatanggalin nila ang aking lalamunan bilang huling hakbang para madugtungan ang aking buhay. Samantala, mula sa Bibliya, ibinahagi ng mga bago kong kaibigan na Kristiano ang Salita ng Diyos na tunay na nagpabago sa aking buhay. Ang ‘… ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo’ (Exodo 15:26), at, ‘Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong nasa mabuti ring kalagayan ang iyong kaluluwa’ (3Juan 2) ay dalawa sa mga pangako na nagbibigay ng kasiguruhan na maaari akong pagalingin ni Hesus. Sinabi mismo ni Hesus, ‘Ako’y namatay, at tingnan mo, ako’y nabubuhay magpakailanpaman, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades: (Pahayag 1:18). Kahit lagi kong inilalagay ang ganap kong tiwala sa aking doktor, sa pagsalalay ko sa bawat salita Niya; nakahanap ako ng mas malaking pagtitiwala kay Hesus at sa mga salita Niya.

Isang gabi pagkabalik ko mula sa ospital para sa ikalawang operasyon, isang binata mula sa katabing higaan ang nagsisisigaw dahil sa sakit ng kanyang tiyan. May nabuo na malaking awa sa aking puso para sa kanya. Pumunta ako sa tabi ng higaan niya, itinaas ko ang kamay ko at sinabi, ‘Panginoong Hesus, naghihirap ang binatang ito dahil sa matinding sakit. Parang awa Niyo, tulungan Niyo siya at alisin ang nararamdaman niyang sakit: Sa isang iglap, tumayo siya na ganap ng magaling! Pagkatapos ng karanasan na yan, ipinasya kong hindi na ituloy ang pangalawang operasyon dahil sa kasiguruhan na kaya rin akong pagalingin ng parehong Hesus na nagpagaling sa binata. Sa pareho rin linggo na yan linisan ko ang ospital at umuwi sa bahay, ipinagwalang bahala ko lahat ng mga babala ng mga doktor.

Sa mga sumunod na linggo, nakatanggap ako ng tatlong sulat na nagtatanong sa rason ko kung bakit di na ako bumalik sa ospital. Nasasaad sa pangatlong sulat ang lahat ng mga nakakatakot na detalye ng aking karamdaman at ayon sa kanilang pagsusuri, pwede akong mamatay. At kung mamamatay ako, wala silang pananagutan! Pinag-isip ako ng matindi yung pangatlong sulat, ngunit habang binabasa ko ang Salita ng Diyos, mas lalong napupuno ng kapayapaan at katapangan ang puso ko.

Pagkatapos ng ilang panahon, nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa patuloy na paglaki ng tumor sa aking lalagukan. Nagbabala lahat ng doktor na pwedeng mangyari ito, at naintindihan ko na masusubok ang pananampalataya ko kay Cristo bilang manggagamot.

Isang araw habang nananalangin ako, may tumawag sa aking pangalan na nagsabi, ‘kung lilipat ka sa lumang bahay, ano ang una mong gagawin?’ Sa pagkaintindi na ang Panginoon ito, sumagot ako, ‘kailangang linisin ko ito: At ipinaliwanag Niya, ‘Gusto kitang gawin na templo Ko; ngunit kailangang ganap na malinisan ka muna: Alam kong pinatawad na ako ni Hesus at ginawa na Niyang anak Niya ngunit hindi ko pa aktual na ipinahayag ang kalahatan ng mga kasalanan ko. Noong ipinahayag ko na ang mga ito sa Panginoon, may malaking pakiramdam ng hindi pagiging karapatdapat ang pumuspos sa akin at wala akong ibang magawa kundi umiyak na lang sa banal Niyang presensiya. Namatay si Hesus para sa akin dun sa krus! Napuno ang kaluluwa ko ng malalim na paghanga sa ginawa ni Hesus at sa pagtayo ko pagkatapos ng oras ng pananalangin, ramdam ko na malinis ako, maginhawa at ganap ng malaya mula sa mahirap na paghinga.

Isang umaga, nagising ako dahil sa mahirap na paghinga na hindi ko naranasan noon. Ang bawat paghinga ay paglaban sa bingit ng kamatayan. Sa pagyuko ko sa akong tuhod, sumigaw ako mula sa kaibuturan ng aking puso, ‘Panginoong Hesus, kung pagagalingin Mo ako, may gagawin ako para Sayo!’ Maaring hinintay Niya lang ang ganap kong pagsuko sa Kanyang kagustuhan. Biglaang umubo ako ng malalim, at may di pangkaraniwang lumabas sa aking bibig. Pagdura ko sa aking kamay, tinignan ko kung ano yun … yun yung tumor! Malaya na ako sa wakas! Pinagaling ako ni Hesus gaya ng ipinangako ng Salita Niya. Ang papuri ay sa Diyos! Ngunit may isa pang himala na dapat mabanggit.

Anong ligaya ang muling makakain at makahinga ng normal; ngunit mayroon pang natitira na bagay sa aking lalamunan na bahagi ng tubo sa aking lalagukan: Hindi tinanggal ng mga doktor dahil iniisip nila na babalik ako sa pangalawang operasyon. Minsan nagiging masakit at nakakairita ang bagay na ito, kaya inumpisahan kong hilingin sa Panginoon na tanggalin Niya mula sa aking lalamunan kagaya ng ginawa Niya sa tumor. Sa bawat panalangin ko, aktual na umaangat ito sa aking lalamunan; ngunit nagdudulot ito ng matinding sakit at minsan nagdurugo ito. Itinigil ko ang pananalangin para dito at inumpisahan kong purihin ang Diyos dahil sa pagmamahal Niya.

Isang araw may kakaibang paraan ng pananalangin ang pumasok sa aking isipan. Hiniling ko kay Hesus na tunawin ang bagay na ito mula sa aking lalamunan imbes na tanggalin ito. Ganun nga ang gustong gawin ng Panginoon… at ginawa nga Niya! Ganap Niyang tinunaw ito!

Binigyan lamang ako ng mga doktor ng anim na buwan para mabuhay, ngunit marami ng taon ang dumaan at buhay pa rin ako at malusog. Lahat ng papuri ay sa Diyos! Walang senyales ng anumang pilat, at pinatunayan lamang ng mga pisikal na pagsusuri at X-rays pagkatapos nito na ganap akong pinagaling ni Hesus.

Mula sa panahong iyon naging masunurin ako sa Panginoon ayon sa Kaniyang Salita sa pagpapabautismo sa tubig, at binautismohan rin ako ng Panginoong Hesus sa Espiritu Santo. Magkaiba sila ngunit mahalagang karanasan sa bawat anak ng Dios (basahin ang Mateo 28:19 at Gawa 2:38). Sa pagpapatuloy na tapat sa pangakong ginawa ko sa Panginoon sa araw na pinagaling Niya ako, nagsisilbi ako sa Kanya at sinasabi ko sa bawat isa ang mga malalaking bagay na ginawa ni Hesus at kaya pa rin Niyang gawin. Siya ang tunay na Diyos!

Bakit hindi mo isuko ang buong buhay mo sa Kaniya ngayon? Kung may sakit ka o kahit anong pangangailangan pa, tumawag ka kay Hesus. Dahil ipinangako Niyang, ‘Kung kayo’y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko.’ (Juan 14:14)

“Hindi lihim ang kayang gawin ng Diyos, kung anong ginawa Niya sa iba gagawin Niya rin sayo!”
Kelly M. Burke

Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

The Real God