Libreng Pangkalahatang Polisiya ng Insyurans
Kalusugan
Bahay
Apoy
Buhay
Magandang balita Insurance
Kalusugan
Ang halaga ng pangangalagang mediko ngayon ay nakakagulintang, kagaya ng halaga ng insyurans para sa KALUSUGAN. Nakahanap ka na ba ng isang doktor na nagsasabing ‘makakagamot sa lahat ng iyong mga sakit?’
“Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” Isaias 53:5
Bahay
May insyurans ang mga bahay para protektahan ang mga may-ari mula sa lahat ng klase ng pagkasira, pagnanakaw, pagpasok ng walang pahintulot. Hindi nakakapagbigay sa mga may-ari ng bahay ng seguridad at kapayapaan ang mga bakal sa mga bintana at pintuan, mga alarma para sa mga magnanakaw at mga tanod sa kapitbahayan.
“Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi gayon, sasabihin ko ba sa inyo na ako’y paparoon upang ihanda ko ang lugar para sa inyo?” Juan 14:1, 2
Apoy
Tinutupok ng apoy ang mga bahay at mahahalagang mga ari-arian, yung iba’y hindi na mapapalitan. Pero sa walang hanggan may apoy dun na pang walang hanggan. May polisiya ka ba na proprotekta sa’yo mula sa apoy na yan?
“Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Diyos niya at siya’y magiging anak ko.
Ngunit sa mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.” Pahayag 21: 7, 8
Buhay
Maraming kumukuha ng may halagang libu-libong dolyar na insurance ng kanilang buhay. Pero sino ba ang nakikinabang sa mga benifisio nito? Anong halaga nito kung patay ka na?
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
Kondisyon ng polisiya
- Unawain mong makasalanan ka
“yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;” Roma 3:23“Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.” 1 Juan 1 :8 - Unawain mong impiyerno ang kaparusahan ng kasalanan
“Babalik sa Sheol ang masama ang lumilimot sa Diyos sa lahat ng mga bansa.” Awit 9 : 17
- Unawain mo na hindi mo maililigtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng iyong mga gawa
“At ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan.” Isaias 64 : 6
- Magsisi at sumunod sa Diyos
“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalampas na nga ng Diyos; ngunit ngayo’y ipinag-uutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi. “ Gawa 17:30
- Maniwala kay Hesu-Cristo bilang Tagapagligtas
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
- Ipahayag ang mga kasalanan mo kay Hesus
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” I Juan 1: 9
- Tanggapin ang bautismo ng tubig at Espiritu Santo
“Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.” Gawa 2 : 38
- Ipamuhay ang Ebanghelyo
“Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.” Santiago 1 :22
Mga Alituntunin ng Kasunduan
Nagawa ang kasunduan na ito para sa walang hanggan. Walang halaga ng pera o magandang gawa ang makakabayad nito. Binayaran ni Hesu-Cristo ang halaga noong namatay Siya sa Krus. Binayaran na rin ni Hesu-Cristo ang premium, copay at coinsurance noong namatay Siya sa krus. Ang polisiya ay libreng ibinibigay sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala (Efe 2 :8 ). Hinihiling nito ang matatag na pananampalataya kay Hesu-Cristo (Efe 3 :17)
Para sa mas maraming impormasiyon sumulat: contact@sweethourofprayer.net
You can find equivalent English tract @