16 / 100

Peace be unto you _ tagalogPeace be unto you_page2_tagalog

Download PDF Tracts

MAPASAYO NAWA ANG KAPAYAPAAN

Kapayapaan – napakatamis at nakakaaliw na salita! Ang kapayapaan ay isang bagay na hinahangad at binubuntong-hininga ng kaluluwa ng tao. Milyun-milyon ang naghahanap nito, ngunit mukhang milyun-milyon din na milya ang layo nito sa kanila. Ang kapayapaan ay hindi nabibili ng kayamanan, hindi nahahanap ng karunungan at hindi naaakit ng kasikatan. Maaring hinahanap mo rin ang kapayapaan, ngunit wala kang katagumpayan. Gaano kadalas na kulang ka sa kapayapaan na ito, ginusto mo bang alisin ang pagkabigo sa ibang tao, o maaring inisip mo na rin ang magpakamatay? Maari mong hanapin ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga droga; ngunit napatunayan na kapag nawala na ang epekto ng droga, naglalaho na rin sa hangin ang kapayapaan na yan. Yung iba’y sumubok ng Transcendental Meditation o Yoga. Ipinakita ng isang pagsusuring mediko na halos dalawang beses ang dami ng kaguluhan sa pag-iisip ng mga gumagawa ng T.M. ng higit sa labingwalong buwan kumpara sa mga hindi gumagawa nito. Yung iba naman ay sumubok mamuhay ng bukod para makatakas, ngunit natuklasan din nila na ang sanhi ng pagkawala ng katahimikan ay hindi dahil sa iba kundi nagmumula rin mismo sa kanila. Dinala lamang sila ng pagtakas nila sa lugar kung saan makakaharap nila ang pagkasira ng sarili nilang pagkatao. Ano ang layunin ng buhay, kung hindi naman natin mahanapan ang kapayapaan at katahimikan dahil sa araw-araw nating mga problema?

Ang rason kung bakit namin ibinigay ang polyetong ito ay dahil gusto naming ipakilala ang Nag-iisa; ang bukod-tanging makapagbibigay sayo ng tunay at walang-pagkupas na kapayapaan. Sinabi Niya, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo…Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.” Ang mga salitang ito ay hindi salitang walang kabuluhan, pero mga salita ng mismong nag-alay ng Kaniyang buhay para patunayan sayo na mahal ka Niya at inaalala Niya ang ikabubuti mo. Walang sinuman ang makapagbibigay sayo ng kapayapaan maliban sa mismong meron nito. May Isang may-taglay at nangakong magbibigay ng kapayapaan sayo. Tinatawag Siyang Prinsipe ng Kapayapaan. Ang pangalan Niya ay Hesus. Maaring sabihin mo, “Ngunit hindi totoo si Hesus para sa akin; paano ko makukuha ang isang bagay sa taong ni hindi ko nga nakikita?” Kung totoo si Hesus sayo, meron na sana sayo ang kapayapaan na ito. Ang rason kung bakit hindi Siya totoo sayo ay dahil may bagay na naghihiwalay sayo mula sa Kanya at sa kapayapaan na gusto Niyang ibigay sayo; yang bagay na yan ay ang sarili mong kasalanan. Sa kaibuturan ng ating mga puso alam natin lahat kung alin ang tama at mali, at kung ipagwalang-bahala natin ang boses ng konsensiya sa loob na nagsasabing huwag tayong gumawa ng mga bagay, sa katotohana’y nagiging bingi tayo sa boses na gustong magbigay ng Kanyang kapayapaan sa atin. Pag-isipan mo ang mga sumusunod na sipi: “O kung dininig mo sana ang aking mga utos! Ang iyong kapayapaan sana ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat.” “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.”

Nakasalalay na sayo ngayon. Kung gusto mo talaga ang kapayapaan, ang kailangan mong gawin ay ang pagtalikod sa anumang bagay na alam mong mali sa iyong buhay, at hilingin mo na patawarin ka ni Hesus. May kakayahan Siya at gusto Niyang patawarin ang anumang nagawa mong kasalanan, dahil inialay Niya ang buhay Niya sa krus para buhatin ang parusa ng mga kasalanan mo at kasalanan ko. At magpasya ka na sundin mo ang Diyos sa lahat ng bagay sa hihilingin Niya mula sayo. Kung gagawin mo ito, matatamo mo ang tunay na kapayapaan, na higit sa kaya mong isipin, na pupuspos sa pagkatao mo at hindi lilisan kailanman sayo. Kapag matanggal ang kasalanan mo, magiging totoo sayo si Hesus na Prinsipe ng Kapayapaan.

Kapayapaan, pagkaligtas mula sa kasalanan at sakit, lahat magkakasama yan. Naghirap at namatay si Hesus sa krus hindi lamang para ibigay sa atin ang kaligtasan mula sa kasalanan, ngunit pati rin sa mga sakit at karamdaman. Kapag tatanggapin mo Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas, hindi lamang kapatawaran at kapayapaan ang ibibigay Niya sa kaluluwa mo, ngunit pati rin ang kagalingan ng katawan mo. Inawit ni Haring David na nakaranas nito, “Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mga biyaya—na siyang nagpapatawad ng lahat mong mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng lahat mong karamdaman.” Masisigurado mo na kapag nakilala mo si Hesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan at tanggapin mo ang Kanyang kapayapaan, maglalaho mula sa iyong puso ang takot, pagkabalisa at pagdurusa. At makakayanan mo sa iyong buhay ang magdulot ng kapayapaan at katahimikan sa mundong sinira ng digmaan at galit.

PANALANGIN “Panginoong Hesus, Ikaw ang Prinsipe ng Kapayapaan, at kailangan ko ang Iyong kapayapaan. Alam ko na ang kasalanan ko ang naghihiwalay sa akin mula Sayo. Patawarin Niyo po ako sa aking mga kasalanan at linisin mo ang makasalanan kong puso sa pamamagitan ng mahalaga Mong dugo. Tinatanggap Kita sa araw na ito bilang Dios at Tagapagligtas ko. Handa akong gawin anumang bagay na sasabihin Mo, pero tulungan po Ninyo ako. Pagalingin Mo ako Panginoon at bigyan Mo ako ng kapayapaan. Amen.”
Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

Peace be unto you