PAANO MAGING TOTOONG MASAYA
Huwag mong itapon ang babasahing ito hangga’t hindi mo nababasa lahat. Pwedeng baguhin ni Hesus ang iyong buhay at bigyan ka ng kasagutan sa lahat ng iyong problema.
Totoo, maaaring nagsusuri at naghahanap ka ng kapayapaan at kaligayahan, pero hindi mo iti nahanapan. Milyon ang walang saysay na sumubok kunin ang kapayapaan at kaligayahan sa pamamagitan ng paninigarilyo, pag-iinom, pagsasayaw, pagsusugal, pagdodroga at paggawa ng seksual na imoralidad. Ngunit imbes na makahanap ng kaligayahan, nakita na lang nila ang kanilang mga sarili na nakakulong sa mapagpahirap na depresiyon sa isip at sakit. Yung iba dahil sa kalungkutan ay nagpapakamatay pa.
Mahal kong kaibigan, napakasimple lamang ang sikreto ng totoong kaligayahan. Maraming taon ang nakaraan, nasira ang aking pag-iisip dahil sa aking makasalanang buhay. Sinubukan kong hanapin ang tunay na kaligayahan sa maraming relihiyon, kasali na ang Kristianong relihiyon, pero di ko nakamit. Pinuntahan ko ang maraming respetado at mga relihiyosong tao. Nagbasa ako ng maraming moral at etikal na libro na sinulat ng mga tanyag na tao sa mundo. Kalituhan at pagkahilo lamang ang resulta nito. Minsan naiisip ko pa na walang rason para mabuhay.
Isang araw may malaking pagbabago na nangyari sa aking buhay. Yan yung araw na nagpakita si Hesu-Cristo at sinabi Niya sa akin na namatay Siya para sa aking mga kasalanan at sakit at kung maniwala lamang ako sa Kanya, at aminin ko ang aking mga kasalanan sa Kanya, patatawarin Niya ako at babaguhin Niya ang miserable at marumi kong buhay. Umiyak ako kay Hesus mula sa kaibuturan ng aking puso. Sa oras na hiniling ko na patawarin Niya ang lahat ng kasalanan ko, nilinis ako ng mahalaga Niyang dugo na ibinuhos Niya sa Krus sa Kalbaryo. Naramdaman ko ang napakalaking ginhawa. Parang may nawala na libu-libong mga bundok ng Himalaya na nagpapabigat sa akin. Napakagandang pakiramdam: isang “kapayapaan na hindi maintindihan;” na humahamon sa lahat ng pagpapaliwanag ng tao, ang dumaan sa buo kong pagkatao. Habang binabaha ng parang langit na kalikayahan ang puso ko, naranasan ko ang pagpunta ni Cristo sa aking puso at umupo bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Mula noon, nakita ko na may bagong kahulugan ang aking buhay. Pinagaling Niya rin ako mula sa mga matitinding sakit, kagaya ng diabetes, astma, piles, typhoid at jaundice. Ngayon sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Cristo, isa na akong masaya at malusog na tao.
Itong araw na ito pwede mo rin matamasa ang lahat ng ito at marami pang mga nakakamanghang mga karanasan, kung tatanggapin mo ngayon si Hesu-Cristo bilang Diyos at Tagapagligtas mo at kung aaminin mo ang lahat ng mga kasalanan mo sa Kanya. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” “Himugasan tayo ng dugo ni Hesu-Cristo … mula sa lahat ng kasalanan.” Gayun din kung may mga sakit ka pisikal man o sa isip, pwede ka Niyang pagalingin at ibigay sa’yo ang kalusugan at kaligayahan. “Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” (Isaias 53:5). “Pinagaling (ni Hesus) lahat ng may sakit.”
Ngayon din, ipanalangin mo: “Panginoong Hesus, naniniwala akong Diyos Ka at Tagapagligtas. Namatay Ka para sa lahat ng aking mga kasalanan at sakit. Patawarin Mo ako at hugasan mo lahat ng aking mga kasalanan sa mahalaga Mong dugo. Pumasok Ka sa aking puso. Iligtas at pagalingin Mo ako ngayon din. Sa pangalan ni Hesus. Amen:’
“Ang mananalig sa PANGINOON (HESUS) ay masaya.”
You can find equivalent English tract @