11 / 100

Where will you spend your eternity_tagalogWhere will you spend your eternitypage2_tagalog

Download PDF Tracts

SAAN MO BUBUNUIN ANG IYONG WALANG HANGGAN?

May isang kwento tungkol sa isang profesor na naglakad sa kabukiran at naligaw. Dumating siya sa isang sangang-daan kung saan may nakita siyang bata na may aso. “Anak, saan ba patungo ang daan na yan?” tanong niya. “Hindi ko alam.” “Saan ba patungo ang daan na ito?” Hindi ko alam.” “At yung isang yun?” “Hindi ko alam.” “At ito?” “Hindi ko alam.” “Ugok kang bata ka, wala kang alam na kahit ano!” sigaw ng lalaki. “Sa pagkakaalam ko,” sabi ng bata, “Hindi ako naliligaw na kagaya mo!”

Kaibigan, may walang hanggan na naitago mula sayo. Patungo ka sa buhay na walang hanggan o sumpa na walang hanggan. “Huwag ninyong ipagtaka ito, sapagkat dumarating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makakarinig ng kanyang (Hesus) tinig, at magsisilabas, ang mga gumawa ng mabuti ay tungo sa pagkabuhay na muli sa buhay, at ang mga gumawa ng masama ay tungo sa pagkabuhay na muli sa kahatulan,” sabi ng Bibliya(Juan 5:28,29). Alam mo ba kung saan ka patungo? Alam mo ba kung saan mo bubunuin ang iyong walang hanggan? Kagaya nung profesor na yun, maaring marami kang alam sa buhay na ito; ngunit ganun pa rin, hindi mo alam kung saan ka patungo para sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

Hindi natin pwedeng iwasan ang buhay pagkatapos ng kamatayan; ngunit pwede nating piliin ang lugar na pupuntahan natin dun. Ayon sa Panginoon, “Aking inilagay sa harapan mo ang buhay at kamatayan… Kaya’t PILIIN MO … ANG BUHAY” (Deuteronomio 30:19).

Ngayon, ganyan kung paano mo hanapin kung nasaan ka at ang direksiyon mo kung sakaling gusto mong palitan ang patutunguhan mo.

Isa sa dalawang mga pangunahin na rehiyon sa mundo sa kabila ng libingan ay ang Langit o ang Kaharian ng Diyos. Ito ay lupain ng liwanag at kagandahan, lupain ng ganap na kapayapaan at kaligayahan. Ito ay pamumuhay sa presensiya ng Panginoon at pagtamasa sa lahat ng kabutihan Niya para sa atin. Hindi ito malalaman ng pangkaraniwang tao dahil sinabi ng Bibliya, “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya” (1 Corinto 2:9). Kaya sino ang makakaalam sa mga lihim ng Kaharian ng Diyos? “Panginoon ng langit at lupa… ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol,” sabi ng Salita ng Diyos (Mateo 11:25). At ang mga “sanggol” na ito ang makakapasok sa Kaharian ng Diyos (Mateo 18:3). Kaya mahal kong kaibigan, kung bababa ka sa mataas at matibay mong pagpapasiya at mababang-loob kang lumapit sa Panginoong Hesus, makikita mo ang mga malalaking bagay na naitago para sayo sa Walang hanggan; ipapakita rin ng Panginoon sayo ang daan patungo sa lugar na yan.

Yung isang lugar ay ang walang hanggan sa Impierno. Lugar ito ng kadiliman at kalungkutan kung saan walang hanggang magdurusa ang mga tumanggi sa Panginoon. Inihanda ang lugar na ito para sa diablo at mga anghel niya sa kanilang sariling pag-uugali; ang kasamaan nila ang gumagawa ng “apoy ng impierno” (Mateo 25:41). Hahantong din doon ang tao kasama ang diablo, kung pipiliin niya sumunod sa diablo, kung lalakad siya “ayon sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid… na ating ginagawa ang mga nais ng laman at ng pag-iisip” (Efeso 2:2,3). “Ang masama’y nabibitag sa sarili niyang kasamaan, at siya’y nahuhuli sa mga tali ng kanyang kasalanan” (Kawikaan 5:22). Tinatawag din ang impierno na “kamatayan” (Pahayag 21:8) na “kabayaran” para sa kasalanan (Roma 6:23). Sapagkat ang kaisipan ng laman ay “kamatayan” (Roma 8:6); at ang pamumuhay sa kalayawan ay “kamatayan” (1 Tim 5:6) nilalamon ka ng paunti-unti ng Kamatayan!

Bumaba ang Panginoong Hesus at ibinuhos ang Kanyang dugo para sa atin para maaring takasan ng mga naniniwala at tumanggap sa Kanya lugar ng walang hanggan paghihirap at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (Juan 14:6). “Ang sumasampalataya sa Anak (Hesus) ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay nananatili sa kanya” (Juan 3:36).

Mahal kong mambabasa, tumigil ka sa iyong daan. Tanungin mo ang iyong sarili: “Saan ba ako patungo? Saan ako hahantong pagkatapos ng kamatayan?” Siguraduhin mo ngayon na tinatahak mo ang tamang daan.

PANALANGIN: Mahal kong Panginoong Hesus, tinatanggap Kita bilang Panginoon at Tagapagligtas ko. Pumasok Ka sa aking puso. Hugasan Mo lahat ng mga kasalanan ko at gawin Mo akong karapat-dapat para sa Langit (Buhay na walang hanggan). Amen.

ISANG NATATANGING NOTA: May iba’t ibang mga rehiyon sa Walang hanggan na Kaharian ng Dios na iba-iba sa kaluwalhatian at kagandahan.

Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

Where will you spend your eternity ?