14 / 100

Parable-fo-the-kingdom_tagalog12

Download PDF Tracts

Talinghaga ng kaharian

 “..,   Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba’t ibang uri ng isda.

Nang ito ay mapuno, hinila nila ito sa pampang. Umupo sila at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang masasama..

Gayon ang mangyayari sa katapusan ng sanlibutan. Lalabas ang mga anghel at kanilang ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, at itatapon sila sa pugon ng apoy. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.

“Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Tinanong ni Hesus. “…” … Mateo 13: 47-51

“ANO ANG DAPAT KONG GAWIN PARA MALIGTAS?” Mga Gawa 16: 30

  1. MAGSISI AT MANIWALA SA EBANGHELYO

“Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo’y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo.” Marcos 1: 15

  1. MANIWALA KAY HESUS BILANG PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS

“Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos.”  Juan 1: 12

  1. IPAHAYAG ANG MGA KASALANAN KAY HESUS

“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1: 9

  1. TANGGAPIN ANG BAUTISMO NG TUBIG AT ESPIRITU SANTO

“Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.” Mga Gawa 2 : 38

  1. IPAMUHAY ANG EBANGHELYO

“Sundin mo ang aking mga utos at mabubuhay ka; … Mga Kawikaan 7: 2

NASA IYO ANG PAGPAPASYA!!!

” Magiging ganyan ang hatol sa iyo. Ikaw na rin ang nagpasiya.” 1 Mga Hari 20: 40

 

You can find equivalent English tract @

Parable of the Kingdom