17 / 100

Amazing grace of God_tagalogAmazing grace of God_tagalog_page2Amazing grace of God_tagalog_page3

Download PDF Tracts

ANG KAHANGA-HANGANG BIYAYA NG DIOS

Sa panahong naabot ko ang ika-14 kong na taon, isa na akong lasenggo na namumuhay sa lahat ng klase ng maling paraan at sa lahat ng imoralidad na pwedeng isipin. Nag-umpisa akong tumikim ng alak mula sa isang kutsara hanggang sa umiinom na ako mula sa limang galon na lata ng alak! Dahil walang maayos na pagpapalaki o Kristianong paraan ng pagdidisiplina, lumaki kami ng mga kapatid ko na parang mga hayop sa ilang. Binulag ni Satanas na ‘prinsipe ng mundong ito’ ang mga mata ko at namuhay ako sa miserable, makasarili, hindi maka-diyos at mapanirang buhay. ‘Mayroong daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit mga daang tungo sa kamatayan ang dulo nito.’

Sa edad na 31, naabot ng makasalanang buhay ko ang rurok. Isang gabi, umuwi ako na lasing at inumpisahan kong nakipagsumbatan sa mga taong kasambahay ko. Binantaan nila ako at ako’y natakot. Pinaniwala ako ng diablo na ‘dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa’ na patayin ko silang apat sa pamamagitan ng baril ko na .38 caliber pistol. Pagkatapos ko silang barilin, sinabihan niya ako na magpakamatay na rin kaya binaril ko ang sarili ko ng limang beses: dalawang beses sa tiyan, tig-isa sa bawat baga, at isa sa aking ulo.

Sa isang saglit, may maliwanag na ilaw ang nagliwanag sa paligid ko at narinig ko ang malakas sa pagaspas ng hangin na papunta sa akin. Kagaya ng sa telebisyon, ipinakita ng Espiritu ng Diyos ang mga kasalanan ko mula pa sa pagkamusmos. Sa pagkatamo na isa akong ligaw na makasalanan na patungo sa impiyerno ‘Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan’ nararamdaman ko ang apoy ng impiyerno sa lumalagablab sa aking kaluluwa. Sinabi ng Espiritu: ‘Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Habang hawak-hawak ko pa rin ang baril na umuusokat umaagos ang dugo mula sa aking katawan; pasuray-suray ako sa kadiliman na sumisigaw, ‘Panginoong Hesus, iligtas mo ako!’

Kaagad-agad; may hindi pangkaraniwang bagay na nangyari at nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa labanan sa pagitan ng mga anghel ng Diyos at mga masasamang espiritu. Dumapo ang Espiritu ng Diyos sa akin na gaya ng lumalagablab na apoy at tinaboy ang mga maruruming espiritu ng alak, paninigarilyo, pangangalunya, paglapastangan, atbp. Hinugasan ako ng dugo ni Hesu-Cristo mula sa lahat ng mga kasalanang ito at may malaking kapayapaan at kaligayahan na pumuspos sa aking puso. ‘Ipinanganak akong muli’ bilang anak ng Diyos na hindi na hawak ng kapangyarihan ni Satanas. Pinuno ako ni Hesus ng Banal na Espiritu at dumaloy sa aking mga bibig ang mga makalangit na pagpupuri at hindi nalalamang mga lengguahe! Dahil sa kalagayan ko na sugatan, sumuray ako at natumba na walang lakas sa isang daanan ng tren. Lumamig ang aking katawan habang patuloy akong nauubusan ng dugo; at sa aking gulat, nakita ko ang papalapit na tren! Sinusubukan akong patayin ng demonio ngunit iniligtas ako ng Panginoon sa mahimalang paraan sa pamamagitan ng pagpapadala niya ng pulis na nagpahinto sa tren. Nag-abot ng sigarilyo ang pulis ngunit sa hindi pangkaraniwan na rason, parang napakarumi na nito para sa akin. Ganap na niligtas ako ng Diyos mula sa mga masasamang bisyo at binigyan ako ng bagong buhay. Nakakamanghang mapagligtas na biyaya!

Pagkatapos naming madala sa ospital, bigo ang lahat sa tangka na iligtas ang aming buhay at isinuko na kami sa kamatayan. Ngunit, nagpadala ang Panginoon ng ilang mga Kristiano para ipanalangin kami at kaming lima ay dagliang gumaling. Hindi lamang Tagapagligtas ng kaluluwa si Hesus, kundi Tagagamot din ng katawan. ‘Pinalayas ni Hesus ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling ang lahat ng mga may sakit…’ at ‘dahil sa kanyang mga sugat ay gumaling kayo.’ Ang mga paraan ng Diyos ay perpekto at nasa lampas ng pwedeng maintindihan. Iniintindi Niya ang mga maliliit na ibon, kaya gaano nang mas higit ang mga lumalapit sa Kanya.

Naging Tagapagligtas, Manggagamot at sa hindi katagalan pagkatapos, naging ‘Abogado’ ko na rin si Hesus. Sa araw ng aking pagkalitis, wala akong anumang depensa sa harapan ng hukom. Lahat ay laban sa akin, ngunit hinipo ng Diyos ang puso ng hukom at sinentensyahan lamang ako ng 20 taon. Kahit na kailangan kong maikulong, malaya naman ang aking kaluluwa na gaya ng isang ibon dahil kahanga-hangang binago ako ng Diyos. ‘Ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan … Kaya’t kung kayo’y palayain ng Anak, kayo’y magiging tunay na malaya.’

Napuno ng pag-aasam ang puso ko na kilalanin ko pa si Hesus at nanalangin ako na tulungan ako ng Diyos sa panahon ko sa kulungan. Sa unang beses na pagpasok ko sa aking selda, sinabihan ako ng Espiritu Santo na tumingin sa ilalim ng aking higaan. Sa pagtingin ko sa ilalim ng aking kutson natuwa ako nung nakita ko ang isang bagog Bibliya. Hallelujah! Ang tanging problema na lang ay hindi ko alam ang magbasa; ngunit ang Diyos, na gumagawa sa lahat ng bagay na maayos, tinuruan ako araw-araw.

Habang binabasa ko ang Salita ng Diyos, nahanap ko ang kakaibang karanasan sa kombersiyon ni Saul na isang Pariseo na Judio. Siya, kagaya ng ibang tao ngayon, ay hindi naniniwala kay Hesus bilang Anak ng Diyos, ang Mesias. Dahil dun, sa kanyang pagkasigasig sa kanyang relihiyon, maraming Kristiano noong panahon niya ang inusig at pinatay niya. Ngunit kinaya ng Diyos, na mayaman sa awa na iligtas ang taong ito. Nabasa ko rin na tatlong araw pagkatapos ng kanyang kombersiyon, nabautismuhan si Saul (kilala na siya ngayon bilang Pablo) sa tubig at pinuno siya ng Diyos ng Espiritu Santo. Kaya dahil wala ito sa karanasan kong kombersiyon, sa unang pagkakataon, bukas-loob akong sumunod sa Panginoon sa pagbautismo sa pamamagitan ng pagkalublob sa tubig.

Nakinig ako sa kulungan sa maraming mga pagsasahimpapawid ng mga relihiyon at sumulat ako para sa mga kursong sulatan, ngunit mas lalo lang akong nalito sa kanilang mga babasahin. Kaya sinabihan ako ng Diyos na sirain ko lahat ang mga libro nila para Siya mismo mula sa Salita Niya na Bibliya ang magtuturo sa akin. ‘Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan’ kaya’t hindi na ninyo kailangan pang kayo’y turuan ng sinuman … kayo’y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay …’ Ang salita ng Diyos ang naging kaligayahan ko sa umaga at sa gabi. Bilang pinanggagalingan ng aliw, kalakasan at patnubay, binigyan ako ng Kanyang Salita ng kakayahan para mamuhay ng banal at matagumpay sa lahat ng taon ko sa kulungan.

Dahil sa pag-ibig ni Cristo, kasama na ang ibang mga Kristiano, inumpisahan namin ang magsaksi sa kapwa naming mga nakakulong, nagturo kami ng tungkol sa Bibliya at nanalangin para sa mga may sakit. Dumaan kami sa napakaraming pang-uusig at maraming beses na napahamak ang aming buhay pero nagtuloy kami sa pag-angat at pagpuri sa Pangalan ni Hesu-Cristo.

Sa huli, pagkaraan ng 13 taon napalaya ako ng mas maaga dahil samagandang pag-uugali. At gaya ng pagkapatnubay kay Pedro na pumunta sa grupo ng mga nananalangin na mga santo pagkatapos niyang mapalaya mula sa bilangguan, mahimalang pinatnubayan ako ng Diyos na pumunta sa ilan niyang mga santo na nananalangin, silang nang-iwan ng lahat para pagsilbihan Siya. Sa hindi katagalan pagkatapos nito, inialay ko na ring ganap ang aking buhay para sa Kanya na nag-alay ng Kanyang sarili para sa akin dun sa krus. Minsan nagtataka ako at natatanong ko sa aking sarili, ‘Bakit pipili ang Diyos ng kagaya kong walang halaga para sa kanyang serbisyo?’ ‘Pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ngsanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga: Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios.’ Siguradong natupad ang Kanyang Salita!

Kaibigan ko, kung niligtas ng Diyos ang makasalanang kagaya ko, pwede ka rin Niyang iligtas at kaya Niyang iligtas ang sinoman. May kakayahan pa rin ang dugo ni Jesus na nabuhos sa krus para sa mga kasalanan ng buong mundo para maglinis, maghango, at magligtas sa kahit sinong makasalanan na tapat na lalapit sa Kanya. Bakit hindi mo isuko ang buhay mo sa Kanya ngayon? Malapit nang babalik si Hesus! Kaya ka Niyang tulungan para makapamuhay ng banal at matagumpay para maging handa sa araw na yan.

Ang buo kong pagkatao,

Napakaliit bilang isang handog;

Pag-ibig na kamangha-mangha, napakabanal,

Hinihingi niya ang aking buhay, ang aking kaluluwa, ang aking lahat!

Sapagka’t sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang!’
Naligtas para magsilbi, Samuel Drain

PANALANGIN: Ama, pinagsisisihan ko ang lahat ng kasalanan ko (bigkasin ang bawat detalye ng kasalanan mo). Patawarin Mo ako, at linisin Mo ako sa pamamagitan ng Dugo ng Anak Mong si Hesu-Cristo. Selyohan Mo ako ng Banal Mong Espiritu at gawin Mo akong handa para sa malapit nang pagbalik ni Cristo; sa pangalan ni Hesus. Salamat Panginoon! Amen.
REFERENSIYA SA BIBLIYA: ‘Kaw. 14:12; Juan 10:10; Rom. 6:23; Rom. 10:9-13; Juan 3:3-5; Gawa 2:1-4; I Cor. 14:2, 14:18; Mat. 8:16,17; I Ped. 2:24; Juan 8:34,36; Gawa 9:1-20; Juan 16:13; I Juan 2:27; Gawa 12:1-17; Luc. 14:26-33; I Cor. 1:26-29; Fil. 1:21.

Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

The Amazing Grace of God