ANG NAGBIHAY NG KANYANG BUHAY PARA SAYO
Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis. Mayroon siyang ugnayan sa Diyos, kapayapaan, kaligayahan sa loob niya at kalusugan sa katawan niya. Ngunit noong nagkasala siya, nawala niya ang ugnayan niya sa Diyos, nawala ang kapayapaan at kaligayahan niya at naging biktima siya ng kalungkutan. Naging sakitin ang katawan niya at naliligalig na rin ang espiritu, kaluluwa at katawan niya. Para matubos ang tao at maibalik sa kanya ang lahat na nawala niya, ipinanganak ang Diyos nating Lumikha sa mundong ito na mayroong laman at dugo sa pangalan na Hesus humigit-kumulang 2000 taon na ang nakaraan. Ipinanganak Siya na walang kasalanan. Habang namumuhay Siya na walang kasalanan dito sa makasalanang mundo, lumibot Siya sa mga nayon at siudad para gumawa ng mga mabubuti sa mga tao. Ibinalik Niya ang paningin sa bulag, pandinig sa bingi, kakayahang magsalita sa pipi, pinagaling Niya ang mga may ketong, pinalaya Niya ang mga sinaniban ng mga demonio at ipinangaral Niya ang ebanghelyo sa mga pulubi. Walang kapatawaran ang kasalanan kung walang dadanak na dugo. Ayon sa batas, na nagsasabi na ang pagbabayad-puri para sa kaluluwa ay nagagawa sa pamamagitan ng dugo, ipinasiya ng ating Panginoong Hesus na idanak ang Kaniyang dugo para sa lahat ng tao at isuko ang Kaniyang sarili para mamatay sa krus. Pinahirapan Siya ng matindi ng mga sundalong Romano; inilagay sa Kaniyang ulo ang koronang tinik; pinalo Siya sa pamamagitan ng tungkod at binugbog. Pagkatapos ay ibinitin Siya sa pamamagitan ng tatlong pako sa krus.
Ang Panginoong Hesus, na hindi alam magkasala, na hindi gumawa ng kasalanan at walang kasalanan, ay nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, Siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Kinuha ng Panginoong Hesus ang kaparusahan na dapat tanggapin ng sangkatauhan dahil sa kasalanan at namatay Siya sa krus.
“Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin” (Rom 5:8). Hindi lamang namatay sa krus ang Panginoong Hesus, kundi kagaya ng paunang sinabi Niya, pinagtagumpayan Niya rin ang kamatayan at impierno at nabuhay Siyang muli sa ikatlong araw. Siya na nabuhay muli ay umakyat sa langit at nabubuhay pa rin para sa atin.
Mahal kong kaibigan! Kung pag-isipan mo ang paghihirap at sakit na dinanas ni Hesus para sayo, matutunaw ang puso mong bato. At kung hihingi ka ng kapatawaran para sa mga kasalanan mo at pagsuway, patatawarin Niya ang mga kasalanan mo at bibigyan ka Niya ng kapayapaan, kaligayahan at kapahingahan. “Ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan… Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan” (1 Juan 1:7-9).
Hindi lamang namatay si Hesu-Cristo sa krus para sa mga kasalanan natin, kundi pati rin sa mga karamdaman natin. “Kinuha niya ang ating mga sakit at pinasan niya ang ating mga karamdaman” (Mat 8:17). “At sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (Isa 53:5).
Dahil sa kasalanan ng tao, dumating ang sumpa sa kanya at dahil sa sumpa, dumating ang sakit sa kanya. Kinuha ng Panginoong Hesus sa krus ang mga sakit natin. Kung naniniwala tayo na gumaling na tayo dahil sa mga latay Niya, makakapamuhay tayo sa pamamagitan ng pagtanggap ng perfektong pagkapalaya mula sa ating mga sakit.
Mahal kong kaibigan! Kung naniniwala ka na nabuhay muli at nabubuhay pa rin para sayo ang Panginoong Hesus na nagbigay sa buhay Niya para sayo, pwede mong tanggapin ang pagkakapalaya mula sa mga kasalanan at sakit mo sa pamamagitan ng Kaniyang dugo. Puno ng pag-ibig si Hesu-Cristo na tumatawag sayo para dalhin ka sa banal na buhay para maabot mo ang langit.
Kung hangad mong matamo ang mga pinakamahuhusay na pagpapala na matatanggap sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Hesus, sabihin mo ang panalangin na ito:
“Panginoong Hesus, naniniwala akong ibinigay Mo ang buhay Mo sa krus, sa kalbaryo para sa mga kasalanan ko. Patawarin mo ang mga kasalanan ko. Linisin at pabanalin Mo ako sa pamamagitan ng dugo Mo. Tinatanggap Kita bilang personal na Tagapagligtas ko at Dios. Mamumuhay ako bilang anak Mo. Amen.”
Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net
You can find equivalent English tract @