16 / 100

God loves you_tagalogGod loves you_back_tagalog

Download PDF Tracts

MAHAL KA NG DIYOS

Alam mo ba kung sino ang pinakanagmamahal sayo? Siya ang Pinakamakapangyarihang Diyos, ang Lumikha sa atin (Pahayag 1:8; Genesis 1:26-27; 2:7). Mahal na mahal ka nitong walang hanggan na Diyos at pinadala niya si Hesu-Cristo, ang tanging Anak niya, para mamatay sa krus, para mapatawad ang iyong mga kasalanan (Lucas 23:34).

Alam mo ba kung bakit mahal ka ng Diyos? Dahil mapagmahal Siyang Diyos na lumikha sayo sa Kanyang wangis. Hindi kailanman mamamatay ang iyong kaluluwa at mas mahalaga ito para sa Diyos kaysa sa buong mundo (Mateo 16:26). Mahal ka ng Diyos, pero galit siya sa kasalanan at kailangan niya itong hatulan. Nakakasakit sa puso ng Diyos ang kasalanan; inihihiwalay ka nito mula sa Kanya. Sa araw ng paghuhukom, sasabihin ni Hesus sa mga makasalanan, “Lumayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda sa diyablo at sa kanyang mga anghel”; “…ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan” (Mateo 25:41,46).

Dahil sumuway sa Diyos ang unang Adam, pumasok sa mundo ang kasalanan, sumpa, sakit at kamatayan; naging makasalanan tayong lahat, at nahatulan tayo sa walang hanggang apoy sa impierno. Pero mahal ng Diyos ang mga tao, na nilalang Niya, at tinubos Niya sila sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo at ibinalik Niya lahat ng pagpapala na nawala ni Adam dahil sa kasalanan at pagsuway niya (Roma 5:1-21; Efeso 1:3-14).

Namatay si Hesus para sa iyo para hindi ka mahatulan, para mabuhay ka na kasama ang Diyos sa langit ng walang hanggan kung ilalagay mo ang iyong pagtitiwala ka sa Kanya. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).

Makikita mo kung gaano ka kamahal ng Diyos. Hindi Niya pinadala ang isang anghel Niya para iligtas ka, pero ipinadala Niya ang tanging Anak Niya sa mundo para tubusin ka dahil mahal ka Niya. Sabi ni Hesus, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Kahit ganun, santo at matuwid ang Diyos. Tatanggapin ka lamang Niya kung magsisisi ka at tanggapin mo ang bayad-puri ni Cristo para sa mga kasalanan mo (Juan 3:3; Roma 3:24-26. Sinabi ni Hesus, “kayo’y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo” (Marcos 1:15).

Kung kaya’t, magsisi at maniwala ka na tanging si Hesu Cristo ang namatay para sa mga kasalanan mo at tanggapin mo Siya sa iyong puso bilang personal mo na Tagapagligtas at Panginoon. Siguradong huhugasan ng Diyos ang lahat ng iyong kasalanan sa dugo ni Jesus at gagawin ka Niyang walang-bahid. Babaguhin ng Espiritu Santo ang iyong buhay at bibigyan ka Niya ng bagong puso kung diringgin mo ang Salita ng Diyos at susundin ito. Gagawin ka Niyang banal at pupunuin ka ng Kanyang pagmamahal, ligaya at kapayapaan, karunungan at kapangyarihan at papatnubayan ka Niya para mamuhay para sa Kanyang kaharian.

Mahal kong kaibigan, sumunod ka sa Salita ng Makapangyarihang Diyos na nagmamahal sayo. Magsisi ka at bumalik ka ngayon sa Diyos. Nag-iisa lamang ang iyong buhay, pwede kang mamatay ng bigla; hindi mo alam kung kelan at paano. Pero sa awa ng Diyos binibigyan ka ng pagkakataon para ihanda ang iyong sarili para sa walang hanggan. Kapag wala ang pagpapatawad ng Diyos, maitatapon ka sa lawa ng apoy “kung saan ang kanilang mga uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapatay” (Marcos 9:47-48). Wala nang kapatawaran pagkatapos ng kamatayan, ngunit ang paghuhukom na lamang ng Diyos (Hebreo 9:27). Si Hesu-Cristo ang muling pagkabuhay at ang buhay. Bubuhayin ka Niya mula sa patay at huhusgahan ka Niya ayon sa iyong mga gawa (Juan 11:25; Juan 5:24-29). Mag-isip at magpasiya ka na. Sa oras ng kamatayan, haharapin mo ang Diyos, ang paghuhukom Niya at ang walang hanggan!

Tanggapin mo na makasalanan ka. Kailangan mo ng Manunubos, ang Panginoong Hesu-Cristo, na makapagliligtas sa iyo mula sa mga kasalanan mo para matakasan mo ang galit ng Diyos at ang parating na paghuhukom. Hilingin mo na sa Diyos na patawarin Niya ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsabi mo sa panalangin na ito na may tapat na puso.

PANALANGIN

“Mahal kong Diyos, patawarin Mo ako, isang makasalanan na karapat-dapat na mamatay sa kamatayan na kinuha ni Hesus. Patawad po sa lahat ng aking mga kasalanan at lumalapit na po ako sa Inyo. Naniniwala at tinatanggap ko si Hesu-Cristo na tangi Ninyong Anak, na naghirap at namatay sa krus, inilibing at muling nabuhay para tubusin ako. Linisin Mo po ako sa pamamagitan ng dugo ni Hesus at gawin Mo akong anak Mo. Iniimbita ko si Hesus na pumasok sa aking puso bilang personal a Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay. Tulungan Mo po akong mamuhay para sa Iyo mula ngayong araw. Salamat aking Ama, sa pagligtas Mo sa aking kaluluwa sa pangalan ni Hesus! Amen”

Anong pribilehiyo ang maging anak ng buhay na Dios! Pasalamatan mo si Hesus lagi sa pagligtas Niya sa iyo.

Para sa mas maraming impormasion abutin: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

God Loves You