16 / 100

You are someone special_tagalogYou are someone specialpage2_tagalog

Download PDF Tracts

MAHALAGA KA

Habang sinusulyapan ko ang isang magasin noong isang araw, nabasa ko ang isang kawili-wiling pahayag. Ganito ang pagkasabi: “Ang bawat isa ay dapat maging mahalaga para sa iba, para maging mahalaga.” Tumigil ako at binasa ulit ” Ang BAWAT ISA ay dapat maging MAHALAGA SA IBA para maging MAHALAGA.” Nakakahamon ang pahayag na ito!

Sa panahon ng mga kompyuter kung saan pinapalitan na ng mga siyentipikong pagsasaliksik at imbensiyon ang lakas ng tao, hindi na napapansin ang tunay na halaga ng tao. Wala nang halaga ang mga lalaki at babae parang mga numero na lang sa pagawaan, pyesa sa makina ng buhay, isang patak sa malawak na karagatan ng sangkatauhan. Totoo na may mga sumisikat dahil sa pisikal nilang pakikipagsapalaran, talento sa musika, kakayahan sa palakasan atbp; maaaring makakapagtagumpay ito na makuha ang atensiyon ng madla, ngunit karamihan sa mga tao na nakakasalubong natin sa mga kalye ay dumadaan na hindi napapansin at nakikilala.

Ayon kay Dr. Donald Forman ng North Western University Medical School, USA, ang halaga ng katawan ng tao pagdating sa mga nilalaman nitong kemiko ay katiting lamang na $3.50. Sa panahon ng depression, ang mga kemiko sa pangkaraniwan na katawan ay may halagang 90 sentimos. Walang halaga ang tao kumpara sa mundo. Gaano kadalas na nabibigo ang mga kabataan gayun din ang mga matatanda sa kaisipan na gaano man sila kapursigi, hindi rin mapapansin ng lipunan ang kanilang mga pagtangka, hindi rin natatanggap ang kanilang mga opinyon at wala silang saysay para sa mundo. Wala silang halaga!

Sa Bibliya, nabanggit ni Hesus ang parabula tungkol sa nawalang tupa. Makikita ang kwentong ito sa Ebanghelyo ayon kay Lucas kapitulo 15. May isang pastol na may isangdaan na tupa ngunit nawawala ang isa sa mga ito. Iniwan niya ang siyamnaput’ siyam para hanapin yung isang tupa. Maraming panganib sa daan ngunit kailangan niyang hanapin yung nawawalang tupa. Sa wakas, nahanap niya ito. Oo, nahanap niya! Inilagay niya ito sa kanyang balikat, iniuwi niya ito at tinawag niya ang mga kapitbahay niya at sinabi niya: “Makigalak kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko na ang aking tupang nawala.” Nag-iisa lamang na tupa ngunit mahalaga para sa pastol. Sinabi pa ni Hesus: “Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa” (Juan 10:11).

Maaring kagaya ka ng nawalang tupa, palakad-lakad malayo sa kulungan ng mga tupa at sa tahanan. Ngunit para sa mabuting pastol ikaw ay mahalaga. Para sa kanya mas mahalaga ka pa kaysa sa pinagsama-samang kabuoan ng mundo; mas mahalaga pa kaysa sa sarili Niyang buhay. Ayon sa Bibliya: “Noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin” (Roma 5:8). Nagsalita rin Siya sa pamamagitan ng propetang Isaias at sinabi: “Malilimutan ba ng babae ang kanyang batang pasusuhin, na siya’y hindi mahahabag sa anak ng kanyang sinapupunan? Oo, ang mga ito’y makakalimot, ngunit hindi kita kalilimutan” (Isaias 49:15). Nag-aalala Siya para sayo. Ano man ang kalagayan mo ngayon, mahalaga ka sa paningin Niya. MAHALAGA KA!

Mambabasa, bago mo itapon ang pulyetong ito, pag-isipan mo ang katotohanan na ito. Hindi ka lamang tao na hindi nakikilala ng iba o napapansin ng komunidad. Maaring sa pakiramdam mo ay walang nag-aalala, walang nakakaintindi sayo. Ngunit may nag-aalala at nakakaintindi sayo. Hangarin namin na ipakilala ka sa Kanya, sa Panginoong Hesu-Cristo. MAHALAGA ka sa Kanya isang karapat-dapat iligtas, isang karapat-dapat na pag-alayan ng buhay, isang napakahalaga sa paningin Niya. Mahal ka ni Hesus. Namatay Siya para iligtas ka; Nabuhay Siya para patawarin ka, para bigyan ng kapayapaan, kaligayahan at kasiyahan na hinahanap mo. Maari kang tumawag kay Cristo at maging anak Niya.

Maaring sabihin mo, “Masyado na akong malayo, wala ng pag-asa para sa akin, alipin ako ng aking mga bisyo at walang sino man na makakatulong sa akin.” May hindi mabilang na libu-libong mga kabataan at matatanda ang nakahanap kay Cristo ng bagong pag-asa, bagong buhay, kaligayahan, kapayapaan, layunin at pakay sa buhay. Kay Cristo, nahanapan nila ang buhay na may halagang ipamuhay. Mangyayari ito sayo kung ipagkakatiwala mo ang buhay mo kay Hesu-Cristo. Mangyayari sayo araw na ito – NGAYON DIN!

PANALANGIN: “Panginoon, isa akong makasalanan. Patawarin po Ninyo ako. Hindi ko kayang tulungan ang aking sarili, kaya lumalapit ako Sayo. Naniniwala akong mahal Mo ako kaya namatay Ka para sa akin. Tulungan Mo akong talikuran ang nakaraan at sumunod Sayo sa lahat ng araw ng aking buhay. Tinatanggap Kita bilang Tagapagligtas at Diyos ko. Ibinibigay ko Sayo ang buong buhay ko. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.”

Para sa mas maraming impormasion makipag-ugnayan: contact@sweethourofprayer.net

You can find equivalent English tract @

You are somone special